oneSTore Hub, ilulunsad sa San Fernando City
- Details
Sa unang pagkakataon, ilulunsad ng Kagawaran ng Agham at Teknolohiya o DOST ang oneSTore Hub sa lungsod ng San Fernando sa ika-25 ng Hulyo, alas-nwebe ng umaga bilang bahagi ng selebrasyon ng Linggo ng Siyensya at Teknolohiya o National Science and Technology Week na magsisimula sa ika-25 hangang 29 ng Hulyo.
Ang oneSTore ay nagsimula noong Hulyo 2015 sa pangunguna ng DOST na naglalayong pausbungin at palawakin ang mga produkto ng mga Micro, Small and Medium Enterprises o MSMEs na tinutulungan ng DOST dito sa bansa.
Sa pamamagitan ng paglikha ng website na “http://onestore.ph”, maitataguyod ang umaabot na 10,000 na produkto ng mga MSMEs bagkus, magbibigay ng mas madaling paraan para sa mga mamimili ng pangmasang on-line shopping.
Sa nakaraang Press Conference noong Hulyo 8 ng ahensiya, binigyang diin ni pagtatatag ng oneSTore Hub ay magsisilbing imbakan ng mga produkto ng mga MSMEs dito sa rehiyon uno mula sa pakikipag-ugnayan sa isang negosyante na si Mr. Anacleto M. Zamoranos.
Dagdag ni Alexander Apostol, oneSTore Coordinator, mas mapapabilis na ngayon ang pagbili at deliber ng mga produkto ng mga MSMEs dito sa rehiyon uno sa pagkakaroon ng oneSTore Hub. Bukod dito, mas makikilala ang mga produkto ng mga MSMEs hindi lamang sa naturang lungsod gayundin, sa iba’t-ibang lugar sa bansa.
“Ang sinumang may nais mamili ng produkto ng mga MSME na nasa malayong lugar ay maaari ring bumili sa pamamagitan ng pagbubukas lamang ng oneSTore.ph sa internet. Kapag nakapili na, puwede ng bayaran sa pamamagitan ng credit card o debit card,” aniya.
Pagkatapos magbayad, maaari na itong ipadala sa buyer sa pamamagitan ng Air21, bilang katuwang ng Hub sa pagdedeliber ng mga produkto. Ayon pa kay Apostol, ang produktong inorder ay aabutin ng tatlo hanggang limang araw. Samantala, kapag ang produkto ay manggagaling pa sa malayong probinsiya, labing limang araw ang hihintayin ng buyer.
Ang oneSTore Hub ay matatagpuan sa Lingsat, San Fernando City, La Union at inaasahang dadaluhan ng mga kinatawan ng DOST, Kagawaran ng Kalakalan at Industriya ng Pilipinas o Department of Trade and Industry, Sangguniang Panlungsod ng San Fernando, midya at iba pa sa pormal na pagbubukas nito.
100% of Batch 1 DOST JLSS scholars, now employed
- Details
Five graduate scholars out of the five first batch of the Junior Level Science Scholarship (JLSS), were all accepted to teach in public schools in Ilocos Sur.
These science scholars can already start building and working for their dreams as they started teaching for this School Year 2016-2017. Mainly, Jeric Aren Dedicatoria, previously graduated as Magna Cum Laude was assigned at Teodoro Hernaez National High School in Sta. Lucia, Ilocos Sur while Ronald Gamboa, Cum Laude started teaching at Palali National High School of same municipality.
Ms. Michell Pere who obtained Bachelor of Science in Education Major in Biological Science likewise, set out working at Amarao National High School in Sta. Cruz town.
On the other hand, Mr. Rodeney Rimbao qualified to teach at Dinalaoan, National High School in Narvacan, Ilocos Sur and Ramil Petines at Binacud, Integrated School in Sinait town of same province.
According to Ms. Ginee Tacasa, Scholarship Staff, all of them were product of Ilocos Sur Polytechnic State College of different campuses in Ilocos Sur. In a statement, Ms. Tacasa said that through RA 10612 or JLSS, it could continuously strengthen science and technology education and inspire more Junior level or third year scholar-graduates towards a career-path in science teaching.
2016 NSTW Press Conference
- Details
Dr. Armando Q. Ganal (Center) recognized and thanked various media practitioners in La Union during the National Science and Technology (NSTW) Press Conference on July 8, 2016 at DOST 1 AVR, City of San Fernando, La Union. The NSTW celebration will be conducted on July 25-29, 2016 at the CSI the City Mall, San Fernando City, La Union with the theme “Juan Science, One Nation.” (Left) Dr. Paulina P. Nebrida, Assistant Regional Director for Technical Operations and (Right) Dr. Ismael Gurtiza, Planning Officer and S&T Exhibit Chairman.
Makabagong teknolohiya, produkto itatampok ng DOST ngayong Hulyo
- Details
Itinakda na ng Kagawaran ng Agham at Teknolohiya (DOST) dito sa rehiyon uno ang kanilang paggunita sa selebrasyon ng Linggo ng Siyensya at Teknolohiya o National Science and Technology Week sa ika-25 ng Hulyo kung saan tampok ang iba’t-ibang produkto, proyekto at makabagong kaalaman sa agham at teknolohiya.
Ang nasabing selebrasyon na magsisimula ngayong Hulyo 25 hanggang Hulyo 29 ay taong-taong isinasagawa ng ahensiya bilang isang paraan ng pabibigay kahalagahan ng agham at teknolohiya sa pag-unlad ng bansa.
Kabilang sa mga aktibidades na nakalinya sa limang linggong selebrasyon ay ang eksibisyon ng mga imbensiyon at makabagong produkto ng mga State Universities and Colleges na kinabibilangan ng Don Mariano Marcos Memorial State University, Pangasinan State University, North Luzon Polytechnic State College, Ilocos Sur Polytechnic State College at Mariano Marcos State University.
Inaasahang makikilahok din ang lokal na pamahalaan ng Dagupan City sa Pangasinan, Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvocs), Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, Philippine Science High School at iba pa.
Mula sa tema ngayong taon na “Juan Science, One Nation”, muling inaanyayahan ng DOST ang lahat na makisali sa naturang selebrasyon.